Sulong Kabataan!
Posted by Nash | Posted in brain marrow | Posted on Friday, May 11, 2007
Kabataan ang Pag-asa ng Bayan. Sa lumalalang sitwasyon sa ating bansa, tila marami na talagang Pilipino ang nawawalan ng Pag-asa. Sa panahon nating ngayon kailangan natin ng mga pulitikong may tapat na adhikain upang paunlarin ang ating bansa, iwaksi ang korapsyon, bawasan ang kahirapan, at itaas ang antas ng buhay. Subalit ang katotohanan hindi lang naman sila ang dapat kumilos marapat na tayo din. Magsipag ng husto at huwag pagbuntungan ng sisi ang Gobyerno. Kaya nga tayong mga kabataan dapat nagyon palang iniisip na natin ang magiging kinabukasan ng ating bayan.Kabataan laban natin to. Ito na ang panahon upang simulan nating bagtasin at hulmahin ang ating kinabukasan. Sa darating na Mayo 14 tandaan iboto lamang ang sa tingin nyo ay makakatulong ng higit sa nakararami. Kabataan Party List ang sigaw ng Kabataang Pinoy!

Sulong!!! Isigaw sa lahat ng sulok ng mundo! Himagsikan!!!!
*pwede din darna kung gusto mo :)*
May mga pinatay daw na Kabataan Party List poll watchers sa Camarines Norte.